HS Romualdez, ikinatuwa pagbaba ng unemployment rate; pinuri si PBBM
Nagbigay ng reaksiyon at pahayag si House Speaker Martin Romualdez sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba na ang bilang ng unemployment o mga taong walang trabaho o hanapbuhay sa bansa.Sa isang press statement, na mababasa rin sa kaniyang opisyal na Facebook page, ibinida ni Romualdez ang resulta ng PSA Labor Force Survey, na ang unemployment rate ng bansa ay bumagsak sa 3.8%...